Relationship/Relasyon
Relationship, Ano ang masasabi niyo sa relationship?
 Ano ang kahulugan nito sa ating buhay? Bakit kailangan natin ito? 

Ang relationship ay isang relasyon sa dalawang tao ( babae at lalaki ) o isang grupo na kung saan masayang nagsasama, gumagawa ng mabuting bagay, at pipinapatibay ang samahan ng mga tao.
 Isa rin ito sa pinakamahalagang bagay sa ating buhay, para itong isang bahaghari na sadyang makulay at kasayasaya. 


Sa pag build ng isang relationship o sabihin natin Couple Relationship, ay isang napakahirap na bagay sa buhay ng isang tao lalo na sa generation natin ngayon, bakit kaya? Mayroon kasi tayong sariling perspective o pananaw sa isang relasyon, akala natin na ang relasyon ay isang laro-larong bagay, o ginagawang biro lamang, ginagawang pampalipas oras lang, minsan trip lang kasi gusto lang nila maranasan o ma experience ito. Ang pakikipag relasyon ay isang sagradong bagay, isang importanteng bagay sa ating buhay, bakit? dahil dito natin isinasaalang-alang ang ating oras, pagmamahal, understanding, trust at pag build ng pundasyon ng isa't isa. 

Maraming mga risks o mga balakid sa pag bubuild ng isang relationship/relasyon pero kailangan maging matatag lang tayo sa lahat ng pagsubok at mga problema na darating sa ating buhay dahil dito nasusubukan ang ating katatagan at determinasyon sa ating mga sarili at sa ating minamahal sa buhay at sa ating special someone. Maging handa palagi, at maging masaya sa araw-araw, maging mapagkumbaba dahil ito ang isa sa mga sangkap sa isang matibay na relasyon.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

LOVE

LOVE